“Padyak, Akyat, Tanim” - TAGA PASIG KAMI

SEARCH THIS BLOG

loading...

“Padyak, Akyat, Tanim”

Mahigit sa 1000 siklista ang nakilahok sa Bike for Life para pa rin sa ika 445th Araw ng Pasig ngayong taon. Tinawag na , mula sa Ortigas Carless Lane, tinahak ng mga nakiisa ang 45 kilometrong daan patungo sa Montalban kung saan nagsagawa sila ng tree planting. Maputik man ang daan, hindi ito alintana para maipagpatuloy ang adhikaing makatulong sa ating kalikasan.

Isinagawa rin ang kasunduan sa pagitan ng dalawang Lokal na Pamahalaan, ang Pasig at ang Montalban, ang pangako na mas isusulong ang mga programa sa pagbabawas ng carbon emission at iba pang pangangalaga sa ating kalikasan.

Nais ng ating butihing punong lungsod Bobby C. Eusebio na makapaghikayat pa ng mga mamamayang may puso sa pangangalaga ng kalikasan.



Loading...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

FOLLOW US ON INSTAGRAM

Loading...